GET ME AN EXIT

November 2nd, 2009

Time Out

Masyado na yatang nagiging mabilis ang ikot ng mundo ko at mukhang kelangan ko na munang tumigil ng ilang saglit. Hmm, nasan na ba ako? Ano na nga ba ang nangyari?

Masyadong marami, ang ilan... hindi ko na maalala pa. Masyadong mabilis ang byahe... ang ilan... hindi ko na matandaan na nangyari pala. Masyado akong naging masaya... masyado akong naging masaya na akala ko ay totoong maligaya na ako, pero hindi pa rin pala.

Naisip kong huminto muna at mag-isip. Pero paano pa ako makakabalik? Masyado na akong malayo... Paano ko mababawi? Paano ko pa mababago?

Time Out muna ako... 254.gif

Posted by tinay at 04:02 PM | 3 comments

October 18th, 2009

October Entry na Ma-senti...

Ngayon na lang ako uli nagkaroon ng oras para dumaan sa tabulas, magbasa ng entry ng iba, magsenti, magmuni-muni, at ngayon magsusulat ng sarili kong kwento. Ano na nga bang nangyari? Sobrang dami na. Hindi ko na nga alam kung magagawa ko pang maikwento ang lahat. Ilang bagyo na dumaan, umaraw at umulan. Saan ba ako magsisimula? Hmmm...

Umuulan pa din... wala rin namang pinag iba. yun nga lang, ngayon, masasabi kong hindi na ako nag-iisa. Dahil sa unang pagkakataon, ngayon ko lang naramdaman kung paano maging mahalaga sa buhay ng iba.

Masaya...

Pero syempre, ang buhay ay hindi puro saya lang... Lahat may kapalit...

At alam na alam ko din na ang pinasok kong ito ay hindi ganon kadali. kung sa bagay, wala namang madaling daan. Nakapagdesisyon na ko,at sigurado na ko sa pinasok kong ito...

Mahal ko sya...at mahal na mahal nya ko...

Posted by tinay at 05:50 PM in V Entry | 2 comments

« Newer | Older »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links